Lumaban, Lumalaban, at Lalaban

Sa bawat paglaban, hindi mo maiiwasang tumigil. Alam mo na ang buhay ay parang sugal, tataya ka ng walang kasiguraduhan. Mahirap panindigan pero kung matapang ka, patuloy kang lalaban. Kapag pag kapit sa patalim na lang ang iyong sandata, hindi mo alam kung lalaban ka pa ba.
Minsan mo na rin bang natanong kung may Dyos ba talaga? Yung tipong magisa ka pero akala mo wala siya. Kada taya mo sa sugal umaasa ka na ikaw ay magiging swerte. Puro tayo salita pero hirap na hirap gumawa. Pagsubok nga lang ba talaga?
OO, PAGSUBOK LAMANG LAHAT NG PAGHIHIRAP NA NARARARANASAN NATIN. TOTOONG NANDYAN ANG DYOS. SA BAWAT PAGTAYA MO SA SUGAL, AT PAGSUKONG GINAGAWA MO, SIYA ANG PUMAPALIT AT LUMALABAN PARA SA’YO. HINDI NIYA TAYO INIIWAN, TINUTURUAN NIYA TAYO. KAYA’T SA BAWAT SUGAL NA TINATAYAAN NATIN, HUWAG TAYONG SUSUKO AT PATULOY TAYONG LUMABAN.