Pagsisisi


Lumipas, Lumaki at Lumaban


Lumabas ako sa mundo
Sayang saya ang lola ko
“Ang aking bunso!”,
Sambit ng lola ko

 

Lumipas ang panahon
Lumaki at umahon
Lumaban sa kahapon
Akala’y buhay ay patapon

 

Hanggang sa paglaki ay iyong inalagaan
“Lola, bakit nakahiga ka sa higaan?”
Sabay iling kahit nahihirapan
Si lola ay pilit na lumalaban

PATAWAD, LOLA KO


2018-10-22 10.20.14 1.jpg

 “Apo ko, tabihan mo ako sa aking pagtulog”, sambit ng lola ko. Subalit, ako ay tumanggi sa kadahilanang ako ay maraming ginagawa. Matagal ka ng nakaratay sa higaan ang aking lola. Pabalik balik siya sa ospital at pagguwi sa bahay, oxygen ang kaharap at kasama niya. Masakit sa paningin na makitang ikaw ay nahihirapan. Ngunit, ano pa nga ba ang magagawa ko? 

     Lumipas mga araw mas lalo kang nanghina. Kinabukasan ay kaarawan ko na, ngunit hindi ka pa rin magaling. Tumawag ang aking uncle mula sa Singapore, ang sabi mo “Anak umuwi ka na dito, dahil baka bukas wala na ako.”. Tinawanan namin ang lola ko kahit naiiyak na kami.

     Birthday ko na, ang lakas at sigla mo lola. Sabi mo sa akin, “Apo halika dito, kakantahan kita ng happy birthday!”. Lumapit ako ngunit luha ang nakita mo sa akin. Kumanta ang mga pinsan ko at ang sabi mo, “Thank you and welcome!”. Nakuha mo pa talagang magbiro kahit hirap na hirap ka na.

      Makalipas ang ilang araw, pahina ka na ng pahina. Lola anong nangyayari sa iyo? Akala ko ba, aantayin mo kami. Ako, si ate py at ate hazel na maging attorney. Ngunit bakit ganito? Tama na ang pagbibilin at pagsasabihing ika’y mawawala na. Ilang beses mo na naman kaming pinaiyak ngayon. Patawarin mo kami lola, ang sakit sakit kasi talaga.

       Hulyo ikaw-22. Walang pasok, nagising ako na naiyak ang nanay ko. “Wala na ang lola mo.”, sambit ng ina ko. Hindi ko manlang naabutan na ikaw ay buhay pa. Hindi ako nagpaalam sa iyo ng maayos. Hindi ko napagbigyan ang hiling mo sa akin. Patawarin mo ako, lola. Pangako, gagawin ko ang huling pabilin mo sa akin. 

Leave a comment